Isaias 2

Sa araw na iyon, itatapon nila sa mga daga at mga paniki ang mga diyos-diyosan nilang pilak at ginto na ginawa nila para sambahin.

Isaiah 2:20 (UKJV) In that day a man shall cast his idols of silver, and his idols of gold, which they made each one for himself to worship, to the moles and to the bats;

18At tuluyan nang mawawala ang mga diyos-diyosan.

19Kapag niyanig na niya ang mundo, tatakas ang mga tao papunta sa mga kuweba sa burol at sa mga hukay sa lupa magtago sa galit ng Panginoon at sa kanyang kapangyarihan.

20Sa araw na iyon, itatapon nila sa mga daga at mga paniki ang mga diyos-diyosan nilang pilak at ginto na ginawa nila para sambahin.

21Tatakas nga sila papunta sa mga kuweba sa burol at sa malalaking bato para magtago sa galit ng Panginoon at sa kanyang kapangyarihan kapag niyanig na niya ang mundo.

22Huwag kayong magtitiwala sa tao. Mamamatay lang din sila. Ano ba ang magagawa nila?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.