Isaias 21

Kinakabahan ako at nanginginig sa takot. Sanaʼy makapagpahinga ako paglubog ng araw, ngunit hindi maaari, dahil takot ako sa maaaring mangyari.

Isaiah 21:4 (UKJV) My heart panted, fearfulness affrighted me: the night of my pleasure has he turned into fear unto me.

2Nakita ko ang isang kakila-kilabot na pangitain tungkol sa kataksilan at kapahamakan. Kayong mga taga-Elam at taga-Media, palibutan ninyo ang Babilonia at salakayin! Wawakasan na ng Diyos ang pagpapahirap niya sa ibang bansa.

3Dahil ditoʼy nakadama ako ng matinding kirot sa balakang, sumakit ang aking katawan tulad ng babaeng manganganak. Nalugmok ako sa aking narinig at nagulantang ako sa aking nakita.

4Kinakabahan ako at nanginginig sa takot. Sanaʼy makapagpahinga ako paglubog ng araw, ngunit hindi maaari, dahil takot ako sa maaaring mangyari.

5Naghahanda sila ng piging. Inilalatag ang mga alpombrang uupuan ng mga tao. Lahat silaʼy kumakain at umiinom. Dali! Tumindig kayo, mga pinuno ng hukbo; ihanda ang inyong mga kalasag!

6Sinabi sa akin ng Panginoon, “Pumunta ka at maglagay ng tagapagbantay sa lungsod na magbabalita ng makikita niya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.