Isaias 21

Nakita ko ang isang kakila-kilabot na pangitain tungkol sa kataksilan at kapahamakan. Kayong mga taga-Elam at taga-Media, palibutan ninyo ang Babilonia at salakayin! Wawakasan na ng Diyos ang pagpapahirap niya sa ibang bansa.

Isaiah 21:2 (UKJV) A grievous vision is declared unto me; the treacherous dealer deals treacherously, and the spoiler spoils. Go up, O Elam: besiege, O Media; all the sighing thereof have I made to cease.

1Ang pahayag na itoʼy tungkol sa Babilonia: Sasalakay ang mga kaaway na parang buhawi. Dadaan ito sa Negeb mula sa ilang, sa nakakapangilabot na lupain.

2Nakita ko ang isang kakila-kilabot na pangitain tungkol sa kataksilan at kapahamakan. Kayong mga taga-Elam at taga-Media, palibutan ninyo ang Babilonia at salakayin! Wawakasan na ng Diyos ang pagpapahirap niya sa ibang bansa.

3Dahil ditoʼy nakadama ako ng matinding kirot sa balakang, sumakit ang aking katawan tulad ng babaeng manganganak. Nalugmok ako sa aking narinig at nagulantang ako sa aking nakita.

4Kinakabahan ako at nanginginig sa takot. Sanaʼy makapagpahinga ako paglubog ng araw, ngunit hindi maaari, dahil takot ako sa maaaring mangyari.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.