Isaias 22

Kaya sinabi ko, “Ibaling ninyo ang inyong paningin at hayaan ninyo akong umiyak. Huwag ninyo akong aliwin para sa aking mga kababayang namatay.”

Isaiah 22:4 (UKJV) Therefore said I, Look away from me; I will weep bitterly, labour not to comfort me, because of the spoiling of the daughter of my people.

2Nagkakagulo at nagsisigawan ang mga tao sa bayan. Ang mga namatay sa inyo ay hindi sa espada o digmaan namatay.

3Ang lahat ninyong pinuno ay nagsitakas at nahuli nang walang kalaban-laban. Ang ilan sa inyo ay nagtangkang tumakas, ngunit nahuli pa rin.

4Kaya sinabi ko, “Ibaling ninyo ang inyong paningin at hayaan ninyo akong umiyak. Huwag ninyo akong aliwin para sa aking mga kababayang namatay.”

5Sapagkat itinakda ng Panginoong Diyos na Makapangyarihan ang araw na ito ng pagkakagulo, pagkakataranta at pagkatakot sa Lambak ng Pangitain. Ang mga pader nito ay nagbabagsakan at ang sigawan ng mga tao ay dinig hanggang sa kabundukan.

6Sumasalakay ang mga sundalo ng Elam na sakay ng mga kabayo at may mga pana. Ang mga sundalo ng Kir ay sumasalakay din na may mga hawak na kalasag.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.