Isaias 22

Tinanggal ng Panginoon ang mga depensa ng Juda at sa araw na iyon, kayo ay tumingin sa mga sandatang nasa Palasyo ng Gubat.

Isaiah 22:8 (UKJV) And he discovered the covering of Judah, and you did look in that day to the armour of the house of the forest.

6Sumasalakay ang mga sundalo ng Elam na sakay ng mga kabayo at may mga pana. Ang mga sundalo ng Kir ay sumasalakay din na may mga hawak na kalasag.

7Ang mga sagana ninyong lambak ay puno ng mga karwahe, at ang mga mangangabayoʼy nakabantay sa mga pintuang-bayan.

8Tinanggal ng Panginoon ang mga depensa ng Juda at sa araw na iyon, kayo ay tumingin sa mga sandatang nasa Palasyo ng Gubat.

9Tiningnan ninyo ang mga pader ng Lungsod ni David para malaman ninyo kung nasaan ang mga sira nito. Nag-imbak kayo ng tubig sa imbakan sa ibaba.

10Binilang ninyo ang mga bahay sa Jerusalem at giniba ang ilan para gamitin ang mga bato sa pag-aayos ng nagibang pader ng lungsod.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.