Isaias 22

Tiningnan ninyo ang mga pader ng Lungsod ni David para malaman ninyo kung nasaan ang mga sira nito. Nag-imbak kayo ng tubig sa imbakan sa ibaba.

Isaiah 22:9 (UKJV) All of you have seen also the breaches of the city of David, that they are many: and all of you gathered together the waters of the lower pool.

7Ang mga sagana ninyong lambak ay puno ng mga karwahe, at ang mga mangangabayoʼy nakabantay sa mga pintuang-bayan.

8Tinanggal ng Panginoon ang mga depensa ng Juda at sa araw na iyon, kayo ay tumingin sa mga sandatang nasa Palasyo ng Gubat.

9Tiningnan ninyo ang mga pader ng Lungsod ni David para malaman ninyo kung nasaan ang mga sira nito. Nag-imbak kayo ng tubig sa imbakan sa ibaba.

10Binilang ninyo ang mga bahay sa Jerusalem at giniba ang ilan para gamitin ang mga bato sa pag-aayos ng nagibang pader ng lungsod.

11Gumawa kayo ng imbakan ng tubig sa pagitan ng dalawang pader, at itoʼy pinuno ninyo ng tubig mula sa dating imbakan. Ngunit hindi ninyo naisip ang Diyos na siyang gumawa at nagplano nito noong una pa at niloob niyang mangyari ito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.