Isaias 25

Pagsisikapan nilang makaligtas sa kalagayang iyon na parang taong kakampay-kampay sa tubig. Ngunit kahit na magaling silang lumangoy, ilulubog pa rin sila ng Panginoon. Ibabagsak sila dahil sa kanilang pagmamataas.

Isaiah 25:11 (UKJV) And he shall spread forth his hands in the midst of them, as he that swins spreads forth his hands to swim: and he shall bring down their pride together with the spoils of their hands.

9Sa araw na mangyari ito, sasabihin nila, “Totoo ngang siya ang ating Diyos! Nagtiwala tayo sa kanya at iniligtas niya tayo. Siya ang Panginoon at umasa tayo sa kanya. Magalak tayoʼt magdiwang dahil tayoʼy iniligtas niya.”

10Talagang tutulungan ng Panginoon ang Bundok ng Zion, ngunit parurusahan niya ang Moab. Tatapakan niya itong parang dayami sa tapunan ng dumi.

11Pagsisikapan nilang makaligtas sa kalagayang iyon na parang taong kakampay-kampay sa tubig. Ngunit kahit na magaling silang lumangoy, ilulubog pa rin sila ng Panginoon. Ibabagsak sila dahil sa kanilang pagmamataas.

12Wawasakin niya ang kanilang mataas at matibay na pader hanggang sa madurog at kumalat ito sa lupa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.