Isaias 25

Sa araw na mangyari ito, sasabihin nila, “Totoo ngang siya ang ating Diyos! Nagtiwala tayo sa kanya at iniligtas niya tayo. Siya ang Panginoon at umasa tayo sa kanya. Magalak tayoʼt magdiwang dahil tayoʼy iniligtas niya.”

Isaiah 25:9 (UKJV) And it shall be said in that day, Lo, this is our God; we have waited for him, and he will save us: this is the LORD; we have waited for him, we will be glad and rejoice in his salvation.

7At sa bundok ding ito, papawiin niya ang kalungkutan ng mga tao sa lahat ng bansa.

8Ang kamatayan ay kanyang pupuksain magpakailanman. Papahirin ng Makapangyarihang Panginoon ang luha sa kanilang mga mata. Aalisin niya ang kahihiyan ng kanyang mamamayan sa buong mundo. Ang Panginoon ang nagsabi nito.

9Sa araw na mangyari ito, sasabihin nila, “Totoo ngang siya ang ating Diyos! Nagtiwala tayo sa kanya at iniligtas niya tayo. Siya ang Panginoon at umasa tayo sa kanya. Magalak tayoʼt magdiwang dahil tayoʼy iniligtas niya.”

10Talagang tutulungan ng Panginoon ang Bundok ng Zion, ngunit parurusahan niya ang Moab. Tatapakan niya itong parang dayami sa tapunan ng dumi.

11Pagsisikapan nilang makaligtas sa kalagayang iyon na parang taong kakampay-kampay sa tubig. Ngunit kahit na magaling silang lumangoy, ilulubog pa rin sila ng Panginoon. Ibabagsak sila dahil sa kanilang pagmamataas.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.