Isaias 25

Dito sa Bundok ng Zion, ang Panginoon ng mga Hukbo ay maghahanda ng isang piging para sa lahat. Masasarap na pagkain at inumin ang kanyang inihanda, ang pinakamainam sa mga karne at pinakamasarap na alak.

Isaiah 25:6 (UKJV) And in this mountain shall the LORD of hosts make unto all people a feast of fat things, a feast of wines on the sediments of wine, of fat things full of marrow, of wines on the sediments of wine well refined.

4Ikaw ang takbuhan ng mga dukha at ng mga nangangailangan sa panahon ng kahirapan. Ikaw ang kanlungan sa panahon ng bagyo at lilim sa panahon ng tag-init. Sapagkat ang paglusob ng mga malulupit na tao ay parang bagyong humahampas sa pader,

5at parang init sa disyerto. Ngunit pinatahimik mo ang sigawan ng mga dayuhan. Pinatigil mo ang awitan ng malulupit na mga tao, na parang init na nawala dahil natakpan ng ulap.

6Dito sa Bundok ng Zion, ang Panginoon ng mga Hukbo ay maghahanda ng isang piging para sa lahat. Masasarap na pagkain at inumin ang kanyang inihanda, ang pinakamainam sa mga karne at pinakamasarap na alak.

7At sa bundok ding ito, papawiin niya ang kalungkutan ng mga tao sa lahat ng bansa.

8Ang kamatayan ay kanyang pupuksain magpakailanman. Papahirin ng Makapangyarihang Panginoon ang luha sa kanilang mga mata. Aalisin niya ang kahihiyan ng kanyang mamamayan sa buong mundo. Ang Panginoon ang nagsabi nito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.