Isaias 25

Ikaw ang takbuhan ng mga dukha at ng mga nangangailangan sa panahon ng kahirapan. Ikaw ang kanlungan sa panahon ng bagyo at lilim sa panahon ng tag-init. Sapagkat ang paglusob ng mga malulupit na tao ay parang bagyong humahampas sa pader,

Isaiah 25:4 (UKJV) For you have been a strength to the poor, a strength to the needy in his distress, a refuge from the storm, a shadow from the heat, when the blast of the terrible ones is as a storm against the wall.

2Winawasak mo ang mga lungsod iginuguho mo rin pati ang may matitibay na pader. Winasak mo rin ang mga palasyo ng mga dayuhan, at hindi na nila ito maitatayong muli.

3Kaya pararangalan ka ng mga taong makapangyarihan at igagalang ka ng mga malulupit na mga bansa.

4Ikaw ang takbuhan ng mga dukha at ng mga nangangailangan sa panahon ng kahirapan. Ikaw ang kanlungan sa panahon ng bagyo at lilim sa panahon ng tag-init. Sapagkat ang paglusob ng mga malulupit na tao ay parang bagyong humahampas sa pader,

5at parang init sa disyerto. Ngunit pinatahimik mo ang sigawan ng mga dayuhan. Pinatigil mo ang awitan ng malulupit na mga tao, na parang init na nawala dahil natakpan ng ulap.

6Dito sa Bundok ng Zion, ang Panginoon ng mga Hukbo ay maghahanda ng isang piging para sa lahat. Masasarap na pagkain at inumin ang kanyang inihanda, ang pinakamainam sa mga karne at pinakamasarap na alak.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.