Isaias 25

Winawasak mo ang mga lungsod iginuguho mo rin pati ang may matitibay na pader. Winasak mo rin ang mga palasyo ng mga dayuhan, at hindi na nila ito maitatayong muli.

Isaiah 25:2 (UKJV) For you have made of a city an heap; of a defenced city a ruin: a palace of strangers to be no city; it shall never be built.

1Panginoon, kayo ang aking Diyos! Pupurihin kita at pararangalan ang iyong pangalan, sapagkat wagas ang iyong katapatan, ang iyong mga gawa ay kahanga-hanga, mga gawang binalak mo noong unang panahon.

2Winawasak mo ang mga lungsod iginuguho mo rin pati ang may matitibay na pader. Winasak mo rin ang mga palasyo ng mga dayuhan, at hindi na nila ito maitatayong muli.

3Kaya pararangalan ka ng mga taong makapangyarihan at igagalang ka ng mga malulupit na mga bansa.

4Ikaw ang takbuhan ng mga dukha at ng mga nangangailangan sa panahon ng kahirapan. Ikaw ang kanlungan sa panahon ng bagyo at lilim sa panahon ng tag-init. Sapagkat ang paglusob ng mga malulupit na tao ay parang bagyong humahampas sa pader,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.