Isaias 26

Panginoon, nakahanda na po kayong magparusa sa kanila, ngunit hindi nila alam. Ipaalam ninyo sa kanila, Panginoon. Ilagay po ninyo sila sa kahihiyan. Ipakita ninyo sa kanila kung gaano ninyo kamahal ang inyong mga mamamayan. Lipulin po ninyo sa pamamagitan ng inyong apoy ang inyong mga kaaway.

Isaiah 26:11 (UKJV) LORD, when your hand is lifted up, they will not see: but they shall see, and be ashamed for their envy at the people; yea, the fire of yours enemies shall devour them.

9Buong puso kitang hinahanap-hanap sa tuwing gabi at pati sa umaga. Kung hahatulan nʼyo ang mga tao sa mundo, matututo silang mamuhay nang matuwid.

10Kahit kinaaawaan nʼyo ang masasamâ, hindi pa rin sila natututong mamuhay nang matuwid. Kahit na naninirahan silang kasama ng mga matuwid, patuloy pa rin sila sa kanilang gawaing masama, at hindi nila kinikilala ang inyong kadakilaan.

11Panginoon, nakahanda na po kayong magparusa sa kanila, ngunit hindi nila alam. Ipaalam ninyo sa kanila, Panginoon. Ilagay po ninyo sila sa kahihiyan. Ipakita ninyo sa kanila kung gaano ninyo kamahal ang inyong mga mamamayan. Lipulin po ninyo sa pamamagitan ng inyong apoy ang inyong mga kaaway.

12Panginoon, dalhin po ninyo kami sa mabuting kalagayan, sapagkat ang lahat ng aming nagagawa ay nagagawa namin sa tulong ninyo.

13Panginoon na aming Diyos, pinamahalaan kami ng ibang panginoon, ngunit kayo lang ang aming sinasamba.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.