Isaias 27

Hindi na ako galit sa ubasang ito. Ngunit sa sandaling may makita akong mga halamang may tinik, tatanggalin ko iyon at susunugin.

Isaiah 27:4 (UKJV) Fury is not in me: who would set the briers and thorns against me in battle? I would go through them, I would burn them together.

2“Sa araw na iyon, aawit kayo tungkol sa ubasan na umaani nang sagana.

3Ako ang Panginoon na nag-aalaga ng ubasan. Dinidiligan ko ito. Araw-gabi ko itong binabantayan upang walang sinumang manira nito.

4Hindi na ako galit sa ubasang ito. Ngunit sa sandaling may makita akong mga halamang may tinik, tatanggalin ko iyon at susunugin.

5Ngunit kung nanaisin nilang akin silang alagaan, ang kailangan lang nilang gawin ay makipagkasundo sa akin.”

6Darating ang araw na ang mga mamamayan ng Israel na lahi ni Jacob ay magkakaugat tulad ng halaman. Magkakasanga ito, mamumulaklak, at mamumunga ng marami at pupunuin ang buong mundo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.