Isaias 27

Darating ang araw na ang mga mamamayan ng Israel na lahi ni Jacob ay magkakaugat tulad ng halaman. Magkakasanga ito, mamumulaklak, at mamumunga ng marami at pupunuin ang buong mundo.

Isaiah 27:6 (UKJV) He shall cause them that come of Jacob to take root: Israel shall blossom and bud, and fill the face of the world with fruit.

4Hindi na ako galit sa ubasang ito. Ngunit sa sandaling may makita akong mga halamang may tinik, tatanggalin ko iyon at susunugin.

5Ngunit kung nanaisin nilang akin silang alagaan, ang kailangan lang nilang gawin ay makipagkasundo sa akin.”

6Darating ang araw na ang mga mamamayan ng Israel na lahi ni Jacob ay magkakaugat tulad ng halaman. Magkakasanga ito, mamumulaklak, at mamumunga ng marami at pupunuin ang buong mundo.

7Hindi pinaparusahan ng Diyos ang Israel katulad ng pagpaparusa niya at pagpatay sa mga kaaway nila.

8Ipinabihag ng Panginoon ang kanyang mga mamamayan bilang parusa sa kanila. Ipinatangay niya sila sa napakalakas na hangin mula sa silangan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.