23Pakinggan ninyong mabuti ang sasabihin ko.
24Ang magsasaka baʼy lagi na lamang mag-aararo at hindi na magtatanim?
25Hindi baʼt kapag handa na ang lupa, sinasabuyan niya ng sari-saring binhi ang bawat bukid, katulad halimbawa ng mga pampalasa, trigo, sebada at iba pang mga binhi?
26Alam niya ang dapat niyang gawin dahil tinuturuan siya ng Diyos.
27Hindi niya ginagamitan ng mabibigat na panggiik o gulong ng kariton ang mga inaning pampalasa, kundi pinapagpag niya o pinapalo ng patpat.