1Nakakaawa ang Samaria, na ang katulad ay koronang bulaklak na karangalan ng mga lasenggo ng Israel. Ang lungsod ng Samaria ay nasa matabang lambak, ngunit ang kanyang kagandahan ay mawawala katulad ng bulaklak na nalalanta.
2Makinig kayo! Ang Panginoon ay may inihahandang malakas at makapangyarihang bansa na wawasak sa Samaria. Katulad ito ng mapaminsalang bagyo at rumaragasang baha.
3Tinapak-tapakan niya ang Samaria, ang koronang bulaklak na karangalan ng mga lasenggo ng Israel.
4Ang lungsod na ito ay nasa matabang lambak, ngunit ang kagandahan nito ay mawawala katulad ng bulaklak na nalalanta. Malalagas agad ito katulad ng unang mga bunga ng igos na kinukuha at kinakain agad ng bawat makakita.
5Sa araw na iyon, ang Panginoon ng mga Hukbo ay magiging tulad ng magandang koronang bulaklak para sa nalalabi niyang mga mamamayan.