Isaias 28

Nakakaawa ang Samaria, na ang katulad ay koronang bulaklak na karangalan ng mga lasenggo ng Israel. Ang lungsod ng Samaria ay nasa matabang lambak, ngunit ang kanyang kagandahan ay mawawala katulad ng bulaklak na nalalanta.

Isaiah 28:1 (UKJV) Woe to the crown of pride, to the drunkards of Ephraim, whose glorious beauty is a fading flower, which are on the head of the fat valleys of them that are overcome with wine!

1Nakakaawa ang Samaria, na ang katulad ay koronang bulaklak na karangalan ng mga lasenggo ng Israel. Ang lungsod ng Samaria ay nasa matabang lambak, ngunit ang kanyang kagandahan ay mawawala katulad ng bulaklak na nalalanta.

2Makinig kayo! Ang Panginoon ay may inihahandang malakas at makapangyarihang bansa na wawasak sa Samaria. Katulad ito ng mapaminsalang bagyo at rumaragasang baha.

3Tinapak-tapakan niya ang Samaria, ang koronang bulaklak na karangalan ng mga lasenggo ng Israel.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.