Isaias 28

Sa araw na iyon, ang Panginoon ng mga Hukbo ay magiging tulad ng magandang koronang bulaklak para sa nalalabi niyang mga mamamayan.

Isaiah 28:5 (UKJV) In that day shall the LORD of hosts be for a crown of glory, and for a diadem of beauty, unto the residue of his people,

3Tinapak-tapakan niya ang Samaria, ang koronang bulaklak na karangalan ng mga lasenggo ng Israel.

4Ang lungsod na ito ay nasa matabang lambak, ngunit ang kagandahan nito ay mawawala katulad ng bulaklak na nalalanta. Malalagas agad ito katulad ng unang mga bunga ng igos na kinukuha at kinakain agad ng bawat makakita.

5Sa araw na iyon, ang Panginoon ng mga Hukbo ay magiging tulad ng magandang koronang bulaklak para sa nalalabi niyang mga mamamayan.

6Bibigyan niya ng hangarin ang mga hukom na pairalin ang katarungan. At bibigyan niya ng tapang ang mga tagapagbantay ng lungsod laban sa mga kaaway.

7Ngunit ngayon, pasuray-suray ang mga pari at mga propeta, at wala na sa tamang pag-iisip. Mali ang pagkakaunawa ng mga propeta sa mga pangitain, at hindi tama ang mga desisyon ng mga pari.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.