Isaias 3

Halatang-halata sa kanilang mga mukha ang kanilang pagkakasala. Hayagan silang gumagawa ng kasalanan tulad ng Sodoma at Gomora. Hindi na nila ito itinatago. Nakakaawa sila! Sila na mismo ang nagpapahamak sa sarili nila.

Isaiah 3:9 (UKJV) The show of their countenance does witness against them; and they declare their sin as Sodom, they hide it not. Woe unto their soul! for they have rewarded evil unto themselves.

7Ngunit sa araw ding iyon ay sasagot ang kapatid niya, “Hindi ako ang lunas nito. Wala rin akong pagkain o damit sa bahay, kaya huwag ninyo akong gawing pinuno ninyo.”

8Sapagkat bumagsak na ang Jerusalem at Juda, dahil ang kanilang mga salita at gawa ay laban sa Panginoon. Nilalapastangan nila ang kaluwalhatian ng kanyang presensya.

9Halatang-halata sa kanilang mga mukha ang kanilang pagkakasala. Hayagan silang gumagawa ng kasalanan tulad ng Sodoma at Gomora. Hindi na nila ito itinatago. Nakakaawa sila! Sila na mismo ang nagpapahamak sa sarili nila.

10Sabihin ninyo sa mga matuwid na mapalad sila, dahil aanihin nila ang bunga ng kanilang mabubuting ginawa.

11Ngunit nakakaawa ang masasamâ, dahil darating sa kanila ang kapahamakan! Gagantihan sila ayon sa mga ginawa nila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.