6Susunggaban ng isang tao ang kanyang kapatid sa bahay ng kanyang ama at sasabihin, “May damit ka pa, kaya ikaw na ang mamuno sa amin; Pamahalaan mo itong wasak na lugar.”
7Ngunit sa araw ding iyon ay sasagot ang kapatid niya, “Hindi ako ang lunas nito. Wala rin akong pagkain o damit sa bahay, kaya huwag ninyo akong gawing pinuno ninyo.”
8Sapagkat bumagsak na ang Jerusalem at Juda, dahil ang kanilang mga salita at gawa ay laban sa Panginoon. Nilalapastangan nila ang kaluwalhatian ng kanyang presensya.
9Halatang-halata sa kanilang mga mukha ang kanilang pagkakasala. Hayagan silang gumagawa ng kasalanan tulad ng Sodoma at Gomora. Hindi na nila ito itinatago. Nakakaawa sila! Sila na mismo ang nagpapahamak sa sarili nila.
10Sabihin ninyo sa mga matuwid na mapalad sila, dahil aanihin nila ang bunga ng kanilang mabubuting ginawa.