Isaias 3

Susunggaban ng isang tao ang kanyang kapatid sa bahay ng kanyang ama at sasabihin, “May damit ka pa, kaya ikaw na ang mamuno sa amin; Pamahalaan mo itong wasak na lugar.”

Isaiah 3:6 (UKJV) When a man shall take hold of his brother of the house of his father, saying, You have clothing, be you our ruler, and let this ruin be under your hand:

4Gagawin kong kanilang pinuno ang mga binatilyo, at ang mga musmos na bata ang mamamahala sa kanila.

5Aapihin ng mga tao ang bawat isa, bawat isa laban sa kanyang kapwa. Lalabanan ng mga bata ang matatanda, at lalabanan ng mga hamak ang mararangal.

6Susunggaban ng isang tao ang kanyang kapatid sa bahay ng kanyang ama at sasabihin, “May damit ka pa, kaya ikaw na ang mamuno sa amin; Pamahalaan mo itong wasak na lugar.”

7Ngunit sa araw ding iyon ay sasagot ang kapatid niya, “Hindi ako ang lunas nito. Wala rin akong pagkain o damit sa bahay, kaya huwag ninyo akong gawing pinuno ninyo.”

8Sapagkat bumagsak na ang Jerusalem at Juda, dahil ang kanilang mga salita at gawa ay laban sa Panginoon. Nilalapastangan nila ang kaluwalhatian ng kanyang presensya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.