2ang mga bayani at mga mandirigma, mga hukom at mga propeta, mga manghuhula at mga pinuno,
3mga kapitan ng mga hukbo at mga mararangal na tao, mga tagapayo at ang mga bihasang salamangkero nila at mga dalubhasa sa paggayuma.
4Gagawin kong kanilang pinuno ang mga binatilyo, at ang mga musmos na bata ang mamamahala sa kanila.
5Aapihin ng mga tao ang bawat isa, bawat isa laban sa kanyang kapwa. Lalabanan ng mga bata ang matatanda, at lalabanan ng mga hamak ang mararangal.
6Susunggaban ng isang tao ang kanyang kapatid sa bahay ng kanyang ama at sasabihin, “May damit ka pa, kaya ikaw na ang mamuno sa amin; Pamahalaan mo itong wasak na lugar.”