1Makinig kayo! Kukunin ng Panginoon, ang Panginoon ng mga Hukbo, ang lahat ng inaasahan ng mga taga-Jerusalem at taga-Juda: ang pagkain at tubig nila,
2ang mga bayani at mga mandirigma, mga hukom at mga propeta, mga manghuhula at mga pinuno,
3mga kapitan ng mga hukbo at mga mararangal na tao, mga tagapayo at ang mga bihasang salamangkero nila at mga dalubhasa sa paggayuma.
4Gagawin kong kanilang pinuno ang mga binatilyo, at ang mga musmos na bata ang mamamahala sa kanila.