Isaias 31

Ang mga taga-Ehipto ay mga tao lang din at hindi Diyos. Ang mga kabayo nilaʼy hindi naman mga espiritu, kundi tulad lang din ng ibang mga kabayo. Kapag nagparusa na ang Panginoon, mawawasak ang Ehipto pati ang mga bansa na tinulungan nito. Pare-pareho silang mawawasak.

Isaiah 31:3 (UKJV) Now the Egyptians are men, and not God; and their horses flesh, and not spirit. When the LORD shall stretch out his hand, both he that helps shall fall, and he that is helped shall fall down, and they all shall fail together.

1Kahabag-habag kayong humihingi ng tulong sa Ehipto. Umaasa kayo sa mabibilis nilang kabayo, sa marami nilang karwahe, at malalakas na sundalong nangangabayo. Ngunit hindi kayo nagtitiwala sa Panginoon, ang Banal na Diyos ng Israel, at hindi kayo humihingi ng tulong sa kanya.

2Sa karunungan ng Diyos, magpapadala siya ng salot, at talagang gagawin niya ang kanyang sinabi. Paparusahan niya ang pamilya ng masasama at ang mga tumutulong sa kanila.

3Ang mga taga-Ehipto ay mga tao lang din at hindi Diyos. Ang mga kabayo nilaʼy hindi naman mga espiritu, kundi tulad lang din ng ibang mga kabayo. Kapag nagparusa na ang Panginoon, mawawasak ang Ehipto pati ang mga bansa na tinulungan nito. Pare-pareho silang mawawasak.

4Ito ang sinabi sa akin ng Panginoon, “Walang makakapigil sa leon sa paglapa niya sa kanyang biktima kahit na magsisigaw pa ang mga nagbabantay ng mga hayop. Katulad ko rin, walang makakapigil sa akin para ingatan ang Bundok ng Zion.

5Ako ang Panginoon ng mga Hukbo, babantayan ko ang Jerusalem na parang ibong nagbabantay sa kanyang pugad. Iingatan ko ito, ililigtas, at hindi pababayaan.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.