Isaias 32

Kayong mga babaeng kampante, bumangon kayo at pakinggan ninyo ako! Kayong mga dalagang labis ang tiwala sa sarili, makinig kayo sa sasabihin ko!

Isaiah 32:9 (UKJV) Rise up, all of you women that are at ease; hear my voice, all of you careless daughters; give ear unto my speech.

7Masama ang pamamaraan ng mandaraya. Ipinapahamak niya ang mga dukha sa pamamagitan ng kanyang kasinungalingan, kahit na sa panahon ng paghingi ng mga ito ng katarungan.

8Ngunit ang taong marangal ay may hangarin na palaging gumawa ng mabuti, at itoʼy kanyang tinutupad.

9Kayong mga babaeng kampante, bumangon kayo at pakinggan ninyo ako! Kayong mga dalagang labis ang tiwala sa sarili, makinig kayo sa sasabihin ko!

10Makalipas ang isang taon, mababagabag kayong mga may tiwala sa sarili dahil hindi na mamumunga ang mga ubas at wala na kayong mapipitas.

11Matagal na kayong pabaya at walang pakialam. Ngayon manginig na kayo sa takot. Hubarin ninyo ang inyong mga damit at magbigkis ng sako sa inyong baywang.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.