Isaias 32

Matagal na kayong pabaya at walang pakialam. Ngayon manginig na kayo sa takot. Hubarin ninyo ang inyong mga damit at magbigkis ng sako sa inyong baywang.

Isaiah 32:11 (UKJV) Tremble, all of you women that are at ease; be troubled, all of you careless ones: strip you, and make you bare, and gird sackcloth upon your loins.

9Kayong mga babaeng kampante, bumangon kayo at pakinggan ninyo ako! Kayong mga dalagang labis ang tiwala sa sarili, makinig kayo sa sasabihin ko!

10Makalipas ang isang taon, mababagabag kayong mga may tiwala sa sarili dahil hindi na mamumunga ang mga ubas at wala na kayong mapipitas.

11Matagal na kayong pabaya at walang pakialam. Ngayon manginig na kayo sa takot. Hubarin ninyo ang inyong mga damit at magbigkis ng sako sa inyong baywang.

12Dagukan ninyo ang inyong dibdib sa kalungkutan dahil sa mangyayari sa inyong masaganang bukirin at mabungang ubasan.

13Ang lupain ng aking mga mamamayan ay tutubuan ng mga damo at matitinik na halaman, iyakan ninyo ang dating masayang tahanan at sa lungsod na datiʼy puno ng galak.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.