Isaias 32

Ang lupain ng aking mga mamamayan ay tutubuan ng mga damo at matitinik na halaman, iyakan ninyo ang dating masayang tahanan at sa lungsod na datiʼy puno ng galak.

Isaiah 32:13 (UKJV) Upon the land of my people shall come up thorns and briers; yea, upon all the houses of joy in the joyous city:

11Matagal na kayong pabaya at walang pakialam. Ngayon manginig na kayo sa takot. Hubarin ninyo ang inyong mga damit at magbigkis ng sako sa inyong baywang.

12Dagukan ninyo ang inyong dibdib sa kalungkutan dahil sa mangyayari sa inyong masaganang bukirin at mabungang ubasan.

13Ang lupain ng aking mga mamamayan ay tutubuan ng mga damo at matitinik na halaman, iyakan ninyo ang dating masayang tahanan at sa lungsod na datiʼy puno ng galak.

14Ang mataong lungsod at ang mga tanggulan ay hindi na titirhan. Ang burol at ang bantayang tore nito ay magiging parang ilang magpakailanman. Itoʼy magiging tirahan ng mga maiilap na asno at pastulan ng kawan ng tupa.

15Mangyayari ito hanggang sa ipadala sa atin ang Espiritu mula sa langit. Kung magkagayon, ang ilang ay magiging matabang lupain at ang matabang lupain ay magiging kagubatan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.