12Masusunog kayo hanggang sa maging tulad kayo ng apog. Matutulad kayo sa matitinik na mga halamang pinutol at sinunog.”
13Kayong mga bansa, malapit man o malayo, pakinggan ninyo ang mga ginawa ko at kilalanin ninyo ang kapangyarihan ko.
14Nanginginig sa takot ang mga makasalanan sa Zion. Sabi nila, “Ang Diyos ay parang nagliliyab na apoy na hindi namamatay. Sino sa atin ang makakatagal sa presensya ng Diyos?”
15Ang makakatagal ay ang mga taong namumuhay nang matuwid at hindi nagsisinungaling, hindi gahaman sa salapi o tumatanggap ng suhol. Hindi sila nakikiisa sa mga mamamatay-tao at hindi gumagawa ng iba pang masamang gawain.
16Ganyang klase ang mga taong nakatira sa matataas na lugar, at ang kanilang kanlungan ay ang malalaking bato. Hindi sila mawawalan ng pagkain at inumin.