Isaias 33

Masusunog kayo hanggang sa maging tulad kayo ng apog. Matutulad kayo sa matitinik na mga halamang pinutol at sinunog.”

Isaiah 33:12 (UKJV) And the people shall be as the burnings of lime: as thorns cut up shall they be burned in the fire.

10Sinabi ng Panginoon, “Kikilos na ako ngayon, at dadakilain ako ng mga tao.

11Kayong mga taga-Asiria, walang kabuluhan ang inyong mga plano at mga ginagawa. Ang nag-aapoy ninyong galit ang tutupok sa inyo.

12Masusunog kayo hanggang sa maging tulad kayo ng apog. Matutulad kayo sa matitinik na mga halamang pinutol at sinunog.”

13Kayong mga bansa, malapit man o malayo, pakinggan ninyo ang mga ginawa ko at kilalanin ninyo ang kapangyarihan ko.

14Nanginginig sa takot ang mga makasalanan sa Zion. Sabi nila, “Ang Diyos ay parang nagliliyab na apoy na hindi namamatay. Sino sa atin ang makakatagal sa presensya ng Diyos?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.