Isaias 34

Magiging tirahan ito ng mga kuwago at mga uwak. Nasa plano na ng Panginoon na iparanas sa lupaing ito ang kaguluhan at kapahamakan.

Isaiah 34:11 (UKJV) But the cormorant and the bittern shall possess it; the owl also and the raven shall dwell in it: and he shall stretch out upon it the line of confusion, and the stones of emptiness.

9Ang mga sapa at ang lupa sa Edom ay masisira. Ang buong bansa ay masusunog at hindi na mapapakinabangan.

10At hindi ito mapapatay araw at gabi. Ang usok nitoʼy papailanlang magpakailanman. Wala nang matitira o dadaan man lang sa Edom kahit kailan.

11Magiging tirahan ito ng mga kuwago at mga uwak. Nasa plano na ng Panginoon na iparanas sa lupaing ito ang kaguluhan at kapahamakan.

12At tatawagin itong, “Walang Kuwentang Kaharian.” Mawawala ang lahat ng pinuno nito.

13Tutubo ang matitinik na mga halaman sa mga tanggulang lungsod at matitibay na bahagi nito. Maninirahan doon ang mga kuwago at mga asong-gubat.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.