10At hindi ito mapapatay araw at gabi. Ang usok nitoʼy papailanlang magpakailanman. Wala nang matitira o dadaan man lang sa Edom kahit kailan.
11Magiging tirahan ito ng mga kuwago at mga uwak. Nasa plano na ng Panginoon na iparanas sa lupaing ito ang kaguluhan at kapahamakan.
12At tatawagin itong, “Walang Kuwentang Kaharian.” Mawawala ang lahat ng pinuno nito.
13Tutubo ang matitinik na mga halaman sa mga tanggulang lungsod at matitibay na bahagi nito. Maninirahan doon ang mga kuwago at mga asong-gubat.
14Magsasama-sama roon ang mga asong-gubat kasama ng iba pang hayop sa gubat. Tatawagin ng mga maiilap na kambing ang mga kasamahan nila roon. At ang mga malignong lumalabas kapag gabi ay pupunta roon para magpahinga.