Isaias 34

Tutubo ang matitinik na mga halaman sa mga tanggulang lungsod at matitibay na bahagi nito. Maninirahan doon ang mga kuwago at mga asong-gubat.

Isaiah 34:13 (UKJV) And thorns shall come up in her palaces, nettles and brambles in the fortresses thereof: and it shall be an habitation of dragons, and a court for owls.

11Magiging tirahan ito ng mga kuwago at mga uwak. Nasa plano na ng Panginoon na iparanas sa lupaing ito ang kaguluhan at kapahamakan.

12At tatawagin itong, “Walang Kuwentang Kaharian.” Mawawala ang lahat ng pinuno nito.

13Tutubo ang matitinik na mga halaman sa mga tanggulang lungsod at matitibay na bahagi nito. Maninirahan doon ang mga kuwago at mga asong-gubat.

14Magsasama-sama roon ang mga asong-gubat kasama ng iba pang hayop sa gubat. Tatawagin ng mga maiilap na kambing ang mga kasamahan nila roon. At ang mga malignong lumalabas kapag gabi ay pupunta roon para magpahinga.

15Ang mga kuwago ay magpupugad doon, mangingitlog, mamimisa, at iingatan nila ang kanilang mga inakay sa ilalim ng kanilang mga pakpak. Ang mga uwak ay pares-pares na magtitipon roon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.