Isaias 34

Hindi ililibing ang kanilang mga bangkay kaya aalingasaw ito, at ang mga bundok ay mamumula dahil sa kanilang dugo.

Isaiah 34:3 (UKJV) Their slain also shall be cast out, and their stink shall come up out of their carcasses, and the mountains shall be melted with their blood.

1Kayong mga bansa, lumapit kayo at makinig nang mabuti. Makinig ang buong mundo at ang lahat ng nasa kanya.

2Sapagkat galit ang Panginoon sa lahat ng bansa; galit siya sa kanilang mga kawal. Ganap niyang lilipulin ang mga ito. Papatayin niya silang lahat.

3Hindi ililibing ang kanilang mga bangkay kaya aalingasaw ito, at ang mga bundok ay mamumula dahil sa kanilang dugo.

4Maglalaho ang lahat ng bituin sa kalangitan, at ang kalawakan ay bibilutin na parang kasulatan. Mahuhulog ang lahat ng bagay sa langit na parang nalalantang mga dahon ng ubas o nalalagas na bunga ng igos.

5Pagkatapos gamitin ng Panginoon ang kanyang espada sa langit, tatama naman ito sa Edom upang parusahan at lipulin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.