8Magkakaroon ng maluwang na lansangan sa ilang at iyon ay tatawaging, “Banal na Lansangan.” Walang makasalanan o hangal na makakadaan doon, kundi ang mga sumusunod lamang sa pamamaraan ng Panginoon.
9Walang leon o anumang mababangis na hayop ang makakadaan doon kundi ang mga tinubos lamang ng Panginoon.
10Ang mga tinubos ng Panginoon ay magbabalik. Papasok sila sa Zion na umaawit; ang wagas na kagalakaʼy korona sa kanilang mga ulo. Ang kagalakan at kaligayahaʼy kanilang makakamtan, at ang kalungkutan at panghihinayang ay mawawala nang tuluyan.