Isaias 36

Nang ikalabing-apat na taon ng paghahari ni Ezequias, nilusob ni Haring Senaquerib ng Asiria ang lahat ng tanggulang lungsod ng Juda at sinakop ito.

Isaiah 36:1 (UKJV) Now it came to pass in the fourteenth year of king Hezekiah, that Sennacherib king of Assyria came up against all the defenced cities of Judah, and took them.

1Nang ikalabing-apat na taon ng paghahari ni Ezequias, nilusob ni Haring Senaquerib ng Asiria ang lahat ng tanggulang lungsod ng Juda at sinakop ito.

2Noong nasa Laquis si Senaquerib, inutusan niya ang kumander ng mga sundalo niya pati ang buong hukbo niya na pumunta sa Jerusalem at makipagkita kay Haring Ezequias. Nang nasa labas na ng Jerusalem ang kumander, tumigil muna siya at ang kanyang hukbo sa may daluyan ng tubig na nasa itaas ng lugar na pinag-iimbakan ng tubig. Malapit ito sa daan papunta sa pinaglalabahan.

3Nakipagkita sa kanya roon si Eliakim na anak ni Hilkias, na namamahala ng palasyo, si Shebna na kalihim, at si Joa na anak ni Asaf, na namamahala ng mga kasulatan sa kaharian.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.