1Nang ikalabing-apat na taon ng paghahari ni Ezequias, nilusob ni Haring Senaquerib ng Asiria ang lahat ng tanggulang lungsod ng Juda at sinakop ito.
2Noong nasa Laquis si Senaquerib, inutusan niya ang kumander ng mga sundalo niya pati ang buong hukbo niya na pumunta sa Jerusalem at makipagkita kay Haring Ezequias. Nang nasa labas na ng Jerusalem ang kumander, tumigil muna siya at ang kanyang hukbo sa may daluyan ng tubig na nasa itaas ng lugar na pinag-iimbakan ng tubig. Malapit ito sa daan papunta sa pinaglalabahan.
3Nakipagkita sa kanya roon si Eliakim na anak ni Hilkias, na namamahala ng palasyo, si Shebna na kalihim, at si Joa na anak ni Asaf, na namamahala ng mga kasulatan sa kaharian.
4Sinabi sa kanila ng kumander ng mga sundalo, “Sabihin nʼyo kay Ezequias na ito ang sinasabi ng makapangyarihang hari ng Asiria: “ ‘Ano ba ang ipinagmamalaki mo?