19May nagawa ba ang mga diyos ng Hamat, Arpad, at Sefarvaim? Nailigtas ba nila ang Samaria mula sa mga kamay ko?
20Alin sa mga diyos ng mga bansang ito ang nakapagligtas ng kanilang bansa laban sa akin? Kaya papaano maililigtas ng Panginoon ang Jerusalem sa aking mga kamay?”
21Hindi sumagot ang mga tao dahil inutusan sila ni Haring Ezequias na huwag sumagot.
22Pagkatapos, pinunit nina Eliakim na anak ni Hilkias na tagapamahala ng palasyo, ang kalihim na si Shebna, at Joa na anak ni Asaf ang damit nila sa labis na kalungkutan. Bumalik sila kay Ezequias at ipinaalam ang lahat ng sinabi ng kumander ng mga sundalo.