Isaias 36

Alin sa mga diyos ng mga bansang ito ang nakapagligtas ng kanilang bansa laban sa akin? Kaya papaano maililigtas ng Panginoon ang Jerusalem sa aking mga kamay?”

Isaiah 36:20 (UKJV) Who are they among all the gods of these lands, that have delivered their land out of my hand, that the LORD should deliver Jerusalem out of my hand?

18Huwag ninyong pakinggan si Ezequias. Inililigaw lamang niya kayo kapag sinasabi niyang, ‘Ililigtas tayo ng Panginoon!’ May mga diyos ba sa ibang bansa na nailigtas ang kanilang bayan mula sa kamay ng hari ng Asiria?

19May nagawa ba ang mga diyos ng Hamat, Arpad, at Sefarvaim? Nailigtas ba nila ang Samaria mula sa mga kamay ko?

20Alin sa mga diyos ng mga bansang ito ang nakapagligtas ng kanilang bansa laban sa akin? Kaya papaano maililigtas ng Panginoon ang Jerusalem sa aking mga kamay?”

21Hindi sumagot ang mga tao dahil inutusan sila ni Haring Ezequias na huwag sumagot.

22Pagkatapos, pinunit nina Eliakim na anak ni Hilkias na tagapamahala ng palasyo, ang kalihim na si Shebna, at Joa na anak ni Asaf ang damit nila sa labis na kalungkutan. Bumalik sila kay Ezequias at ipinaalam ang lahat ng sinabi ng kumander ng mga sundalo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.