Isaias 36

Huwag ninyong pakinggan si Ezequias. Inililigaw lamang niya kayo kapag sinasabi niyang, ‘Ililigtas tayo ng Panginoon!’ May mga diyos ba sa ibang bansa na nailigtas ang kanilang bayan mula sa kamay ng hari ng Asiria?

Isaiah 36:18 (UKJV) Beware lest Hezekiah persuade you, saying, the LORD will deliver us. Has any of the gods of the nations delivered his land out of the hand of the king of Assyria?

16“Huwag kayong makinig kay Ezequias! Ito ang ipinasasabi ng hari ng Asiria: Huwag na kayong lumaban sa akin; sumuko na lang kayo! Papayagan ko kayong kainin ang bunga ng inyong mga tanim at inumin ang tubig sa sarili ninyong mga balon,

17hanggang sa dumating ako at dadalhin ko kayo sa lupaing katulad din ng inyong lupain na may mga ubasan na magbibigay sa inyo ng alak at may mga trigo na magagawa ninyong tinapay.

18Huwag ninyong pakinggan si Ezequias. Inililigaw lamang niya kayo kapag sinasabi niyang, ‘Ililigtas tayo ng Panginoon!’ May mga diyos ba sa ibang bansa na nailigtas ang kanilang bayan mula sa kamay ng hari ng Asiria?

19May nagawa ba ang mga diyos ng Hamat, Arpad, at Sefarvaim? Nailigtas ba nila ang Samaria mula sa mga kamay ko?

20Alin sa mga diyos ng mga bansang ito ang nakapagligtas ng kanilang bansa laban sa akin? Kaya papaano maililigtas ng Panginoon ang Jerusalem sa aking mga kamay?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.