4Sinabi sa kanila ng kumander ng mga sundalo, “Sabihin nʼyo kay Ezequias na ito ang sinasabi ng makapangyarihang hari ng Asiria: “ ‘Ano ba ang ipinagmamalaki mo?
5Sinasabi mong maabilidad at malakas ang mga sundalo mo, ngunit walang kabuluhan ang mga sinasabi mo. Sino ba ang ipinagmamalaki mo at nagrerebelde ka sa akin?
6Sa Ehipto ba? Kapag nagtiwala kayo sa bansang ito at sa hari nito, para kayong sumandal sa marupok na tungkod na madaling mabali at nakakasugat sa kamay kapag ginamit mo.
7Maaari ninyong sabihin na nagtitiwala kayo sa Panginoon na inyong Diyos, ngunit hindi baʼt ikaw din Ezequias ang nagpagiba ng mga sambahan niya sa matataas na lugar pati ng mga altar nito. At sinabi mo pa sa mga nakatira sa Jerusalem at mga lungsod ng Juda na sumamba sila sa nag-iisang altar doon sa Jerusalem?
8“ ‘Ngayon, inaalok ka ng aking amo, ang hari ng Asiria. Bibigyan ka namin ng dalawang libong kabayo kung may dalawang libo ka ring mangangabayo.