Isaias 36

Maaari ninyong sabihin na nagtitiwala kayo sa Panginoon na inyong Diyos, ngunit hindi baʼt ikaw din Ezequias ang nagpagiba ng mga sambahan niya sa matataas na lugar pati ng mga altar nito. At sinabi mo pa sa mga nakatira sa Jerusalem at mga lungsod ng Juda na sumamba sila sa nag-iisang altar doon sa Jerusalem?

Isaiah 36:7 (UKJV) But if you say to me, We trust in the LORD our God: is it not he, whose high places and whose altars Hezekiah has taken away, and said to Judah and to Jerusalem, All of you shall worship before this altar?

5Sinasabi mong maabilidad at malakas ang mga sundalo mo, ngunit walang kabuluhan ang mga sinasabi mo. Sino ba ang ipinagmamalaki mo at nagrerebelde ka sa akin?

6Sa Ehipto ba? Kapag nagtiwala kayo sa bansang ito at sa hari nito, para kayong sumandal sa marupok na tungkod na madaling mabali at nakakasugat sa kamay kapag ginamit mo.

7Maaari ninyong sabihin na nagtitiwala kayo sa Panginoon na inyong Diyos, ngunit hindi baʼt ikaw din Ezequias ang nagpagiba ng mga sambahan niya sa matataas na lugar pati ng mga altar nito. At sinabi mo pa sa mga nakatira sa Jerusalem at mga lungsod ng Juda na sumamba sila sa nag-iisang altar doon sa Jerusalem?

8“ ‘Ngayon, inaalok ka ng aking amo, ang hari ng Asiria. Bibigyan ka namin ng dalawang libong kabayo kung may dalawang libo ka ring mangangabayo.

9Hindi ka talaga mananalo kahit sa pinakamababang opisyal ng aking amo. Bakit Umaasa ka lang naman sa Ehipto na bibigyan ka nito ng mga karwahe at mangangabayo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.