Isaias 37

Nang makuha ni Ezequias ang sulat mula sa mensahero, binasa niya ito. Pumunta siya sa Templo ng Panginoon at inilapag ang sulat sa presensya ng Panginoon.

Isaiah 37:14 (UKJV) And Hezekiah received the letter from the hand of the messengers, and read it: and Hezekiah went up unto the house of the LORD, and spread it before the LORD.

12Nailigtas ba ang mga bansang ito ng diyos nila? Ang mga lungsod ng Gozan, Haran, Reshef at ang mga mamamayan ng Eden na nasa Tel Asar ay nilipol ng mga ninuno ko.

13May nagawa ba ang hari ng Hamat, at ng Arpad? Ano ang nangyari sa mga hari ng lungsod ng Sefarvaim, Hena at Iva?’ ”

14Nang makuha ni Ezequias ang sulat mula sa mensahero, binasa niya ito. Pumunta siya sa Templo ng Panginoon at inilapag ang sulat sa presensya ng Panginoon.

15Pagkatapos, nanalangin si Ezequias,

16“Panginoon, Diyos ng Israel na nakaupo sa trono sa pagitan ng mga kerubin, kayo lang po ang Diyos na namamahala sa lahat ng kaharian dito sa mundo. Nilikha ninyo ang langit at lupa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.