Isaias 37

“Panginoon, Diyos ng Israel na nakaupo sa trono sa pagitan ng mga kerubin, kayo lang po ang Diyos na namamahala sa lahat ng kaharian dito sa mundo. Nilikha ninyo ang langit at lupa.

Isaiah 37:16 (UKJV) O LORD of hosts, God of Israel, that dwell between the cherubims, you are the God, even you alone, of all the kingdoms of the earth: you have made heaven and earth.

14Nang makuha ni Ezequias ang sulat mula sa mensahero, binasa niya ito. Pumunta siya sa Templo ng Panginoon at inilapag ang sulat sa presensya ng Panginoon.

15Pagkatapos, nanalangin si Ezequias,

16“Panginoon, Diyos ng Israel na nakaupo sa trono sa pagitan ng mga kerubin, kayo lang po ang Diyos na namamahala sa lahat ng kaharian dito sa mundo. Nilikha ninyo ang langit at lupa.

17Panginoon, pakinggan nʼyo po ako, at tingnan nʼyo ang mga nangyari. O buháy na Diyos, pakinggan nʼyo ang mga sinabi ni Senaquerib na lumapastangan sa inyo.

18Panginoon, totoo po na nilipol ng mga hari ng Asiria ang maraming mamamayan at mga lupain nila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.