31At ang mga natirang buháy sa Juda ay muling uunlad, katulad ng tanim na nagkakaugat ng malalim at namumunga.
32Sapagkat may mga matitirang buháy na kakalat mula sa Jerusalem sa Bundok ng Zion. Sa kagustuhan ng Panginoon ng mga Hukbo tiyak na itoʼy magaganap.
33“Kaya ito ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa hari ng Asiria: Hindi siya makakapasok sa lungsod ng Jerusalem, ni hindi nga siya makakapana kahit isang palaso rito. Hindi siya makakalapit na may pananggalang o kayaʼy mapapaligiran ang lungsod para lusubin ito.
34Babalik siya sa kanyang pinanggalingan, sa daan na kanyang tinahak; hindi siya makakapasok sa lungsod na ito,” sabi ng Panginoon.
35“Ipagtatanggol at ililigtas ko ang lungsod na ito para sa karangalan ko at dahil sa pangako ko kay David na aking lingkod.”