33“Kaya ito ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa hari ng Asiria: Hindi siya makakapasok sa lungsod ng Jerusalem, ni hindi nga siya makakapana kahit isang palaso rito. Hindi siya makakalapit na may pananggalang o kayaʼy mapapaligiran ang lungsod para lusubin ito.
34Babalik siya sa kanyang pinanggalingan, sa daan na kanyang tinahak; hindi siya makakapasok sa lungsod na ito,” sabi ng Panginoon.
35“Ipagtatanggol at ililigtas ko ang lungsod na ito para sa karangalan ko at dahil sa pangako ko kay David na aking lingkod.”
36Pumunta ang anghel ng Panginoon sa kampo ng Asiria at pinatay niya ang 185,000 kawal. Kinaumagahan, paggising ng mga natitirang buhay, nakita nila ang napakaraming bangkay.
37Dahil dito, umuwi ang hari ng Asiria na si Senaquerib sa Nineve at doon na tumira.