Isaias 37

Ipinadala ng hari ng Asiria ang kumander ng kanyang mga sundalo para kutyain ang Diyos na buháy. Baka sakaling narinig ng Panginoon na iyong Diyos ang sinabi ng kumander at parusahan ito sa sinabi niya. Kaya ipanalangin mo ang mga natira sa atin.”

Isaiah 37:4 (UKJV) It may be the LORD your God will hear the words of Rabshakeh, whom the king of Assyria his master has sent to reproach the living God, and will reprove the words which the LORD your God has heard: wherefore lift up your prayer for the remnant that is left.

2Pinapunta niya kay Propeta Isaias na anak ni Amoz sina Eliakim na tagapamahala ng palasyo, Shebna na kalihim at ang mga punong pari na nakadamit ng sako.

3Pagdating nila kay Isaias, sinabi nila sa kanya, “Ito ang sinabi ni Haring Ezequias: Ito ang panahon ng paghihirap, pagtutuwid at kahihiyan. Katulad tayo ng isang babae na malapit nang manganak na wala nang lakas para iluwal ang kanyang sanggol.

4Ipinadala ng hari ng Asiria ang kumander ng kanyang mga sundalo para kutyain ang Diyos na buháy. Baka sakaling narinig ng Panginoon na iyong Diyos ang sinabi ng kumander at parusahan ito sa sinabi niya. Kaya ipanalangin mo ang mga natira sa atin.”

5Nang dumating ang mga opisyal, na ipinadala ni Haring Ezequias kay Isaias,

6sinabi ni Isaias sa kanila, “Sabihin ninyo sa inyong amo na ito ang sinasabi ng Panginoon: Huwag kang matakot sa narinig mong paglapastangan sa akin ng mga tauhan ng hari ng Asiria.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.