Isaias 38

Buong pagpapakumbaba akong naghintay hanggang umaga sa pag-aakalang akoʼy mamamatay na. Parang nilalansag ng leon ang aking mga buto kaya akala koʼy wawakasan mo na ang buhay ko.

Isaiah 38:13 (UKJV) I reckoned till morning, that, as a lion, so will he break all my bones: from day even to night will you make an end of me.

11Akala koʼy hindi ko na makikita ang Panginoon dito sa mundo ng mga buháy o hindi ko na makikita ang mga tao rito sa mundo.

12Tulad ng tolda ng pastol, ang aking tirahan ay tinanggal sa kinalalagyan at kinuha sa akin. Tulad ng manghahabing iginulong na ang tela, para ko na ring tinapos ang buhay ko, at para rin akong nakabiting sinulid na pinutol mo sa habihan. Araw at gabiʼy winawakasan mo ang aking buhay.

13Buong pagpapakumbaba akong naghintay hanggang umaga sa pag-aakalang akoʼy mamamatay na. Parang nilalansag ng leon ang aking mga buto kaya akala koʼy wawakasan mo na ang buhay ko.

14Humingi ako ng tulong hanggang sa ang tinig koʼy para nang huni ng langay-langayan o ng tagak. Dumaing ako na parang tinig na ng kalapati. Ang mga mata koʼy pagod na rin ng katititig sa itaas. Panginoon, tulungan nʼyo po ako sa kahirapang ito.

15Ngunit ano pa ang masasabi ko? Sapagkat sinagot niya ako at pinagaling. Mamumuhay ako nang may kababaan dahil sa mapait kong karanasan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.