Isaias 43

Ngunit ito ngayon ang sinasabi ng Panginoong lumikha sa iyo, O Israel: “Huwag kang matakot dahil ililigtas kita. Tinawag kita sa iyong pangalan, at ikaw ay akin.

Isaiah 43:1 (UKJV) But now thus says the LORD that created you, O Jacob, and he that formed you, O Israel, Fear not: for I have redeemed you, I have called you by your name; you are mine.

1Ngunit ito ngayon ang sinasabi ng Panginoong lumikha sa iyo, O Israel: “Huwag kang matakot dahil ililigtas kita. Tinawag kita sa iyong pangalan, at ikaw ay akin.

2Kapag dumaan ka sa tubig, akoʼy kasama mo. Kapag tatawid ka sa mga ilog, hindi ka malulunod. Kapag dumaan ka sa apoy, hindi ka masusunog; at sa ningas nitoʼy hindi ka magliliyab.

3Sapagkat ako ang Panginoon mong Diyos, ang Banal na Diyos ng Israel, na iyong Tagapagligtas. Ibibigay ko ang Ehipto bilang pantubos sa iyo, ang Etiopia, at ang Seba bilang kapalit mo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.