Isaias 43

Sapagkat ako ang Panginoon mong Diyos, ang Banal na Diyos ng Israel, na iyong Tagapagligtas. Ibibigay ko ang Ehipto bilang pantubos sa iyo, ang Etiopia, at ang Seba bilang kapalit mo.

Isaiah 43:3 (UKJV) For I am the LORD your God, the Holy One of Israel, your Saviour: I gave Egypt for your ransom, Ethiopia and Seba for you.

1Ngunit ito ngayon ang sinasabi ng Panginoong lumikha sa iyo, O Israel: “Huwag kang matakot dahil ililigtas kita. Tinawag kita sa iyong pangalan, at ikaw ay akin.

2Kapag dumaan ka sa tubig, akoʼy kasama mo. Kapag tatawid ka sa mga ilog, hindi ka malulunod. Kapag dumaan ka sa apoy, hindi ka masusunog; at sa ningas nitoʼy hindi ka magliliyab.

3Sapagkat ako ang Panginoon mong Diyos, ang Banal na Diyos ng Israel, na iyong Tagapagligtas. Ibibigay ko ang Ehipto bilang pantubos sa iyo, ang Etiopia, at ang Seba bilang kapalit mo.

4Ibibigay ko ang ibang mga tao bilang kapalit mo, dahil ikaw ay marangal at mahalaga sa aking paningin, at dahil mahal kita.

5Huwag kang matatakot sapagkat kasama mo ako. Titipunin ko ang iyong mga lahi mula sa silangan hanggang sa kanluran.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.