Isaias 43

Nagpahayag ako na ililigtas ko kayo, at tinupad ko nga ito. Walang ibang Diyos na gumawa nito sa inyo, kayo ang mga saksi ko.” Sinabi pa ng Panginoon, “Ako ang Diyos.

Isaiah 43:12 (UKJV) I have declared, and have saved, and I have showed, when there was no strange god among you: therefore all of you are my witnesses, says the LORD, that I am God.

10“Kayo ang aking mga saksi,” wika ng Panginoon. “Pinili ko kayong maging mga lingkod ko, upang makilala ninyo ako at magtiwala kayo sa akin, at maunawaan ninyo na ako lamang ang Diyos. Walang ibang Diyos na nauna sa akin, at wala ring Diyos na susunod pa sa akin.

11Ako lamang ang Panginoon at maliban sa akin ay wala nang iba pang Tagapagligtas.

12Nagpahayag ako na ililigtas ko kayo, at tinupad ko nga ito. Walang ibang Diyos na gumawa nito sa inyo, kayo ang mga saksi ko.” Sinabi pa ng Panginoon, “Ako ang Diyos.

13Mula pa noon ako na ang Diyos. Walang makakatakas sa aking mga kamay. Walang makakapagbago ng mga ginagawa ko.”

14Ito ang sinasabi ng Panginoon ninyong Tagapagligtas, ang Banal na Diyos ng Israel, “Para maligtas kayo, ipapasalakay ko ang Babilonia sa mga sundalo ng isang bansa, at tatakas sila sa pamamagitan ng mga barkong kanilang ipinagmamalaki.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.